Mga Kategorya sa Kalusugan
Mga Allergy
Mabuting Pag-iisip
Kalusugan
Orthopedics
Mabuting Pagtulog
Kalusugan ng Mata
Tingnan ang lahat ng mga kategoryaNakatuon ang Lahat
Tingnan ang lahat ng may pagpokusHeart Health: Groove is in the Heart
Want to Eat Healthy? Start Here.
Tool sa KalusuganMga Health Tool
Kidney Disease Risk Screener
Prediabetes Risk Screener
BMI Calculator
BMR Calculator
Tingnan ang lahat ng Health ToolsFavorite Tools
BMI Calculator
Alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) gamit ang tool na ito.
See MoreBMR Calculator
Sukatin ang iyong Basal Metabolic Rate (BMR) gamit ang mga katangian ng iyong katawan.
See MorePrediabetes Risk Screener
See More Komunidad
Find your communities
Diabetes
Parenting
Skin Health
Tingnan ang lahat ng komunidadHighlight Posts
Magpakita pa Drew Pregnancy • 3 years Ingat mga moms. If you think you are experiencing depression, HelloDoctor Diabetes • 2 years Pagkain para sa Gestational Diabetes: Heto ang Dapat mong Kainin Lanie Senera Parenting • 2 years Lahat ba ng buntis ay dapat magpa BPS ultrasound? HelloDoctor Diabetes • 2 years Maagang Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman Kalusugan ng KalalakihanOpinionated
Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD · General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · a
Maraming sumusubok sa mga benepisyo ng halamang gamot sa prostate dahil isa ang prostate enlargement sa mga sakit na pwedeng maranasan ng kalalakihan. Ang paglaki ng prostate o benign prostatic hyperplasia (BPH) ay ang paglaki ng sukat ng prostate gland. Ang prostate gland ay bahagi ng reproductive system ng lalaki na makikita sa bandang ilalim ng kanilang pantog. Lumilikha ito ng prostatic fluid na sumasama sa kanilang semilya sa panahon na sila ay nilalabasan — at ayon sa mga eksperto mahalaga ito dahil kailangan ng kanilang sperm cells ng proteksyon sa acidity ng vagina. Kaya naman napakahalaga para sa mga kalalakihan na masolusyunan ang prostate enlargement upang mas mapangalagaan ang sarili. Pero bago natin tukuyin ang mga halamang gamot sa prostate, mahalaga na malaman muna natin ang mga impormasyon tungkol sa paglaki ng prostate.
Basahin ang mga sumusunod.
Karaniwang nagkakaroon ng paglaki ng prostate ang isang lalaki kapag sila ay nagkaka-edad na. Nagiging sanhi din ito upang matamaan ang urethra ng lalaki na dahilan ng kanilang masakit at hirap na pag-ihi .
Bukod sa pagtanda ng isang lalaki, sa ngayon hindi pa rin natutukoy ang talagang sanhi ng prostate enlargement. Gayunpaman may mga pagsusuri ang nagsasabi na ang hormones ay may kinalaman sa paglaki ng prostate. Dagdag pa, may mga pag-aaral ang nagsasabi rin na may malaking pagkakataon ang mga lalaking may hypertension at diabetes na magkaroon ng benign prostatic hyperplasia.
Pagkakaroon ng dugo sa ihi Hirap sa pag-ihi Nagkakaroon ng kahirapan sa pagpigil sa pag-ihi Madalas na pag-ihi Paggising o nagigising sa gabi para lang umihi Mahina ang pag-agis ng ihi Hindi makaihi
Ang paglaki ng prostate ay pwedeng malunasan sa pamamagitan ng iba’t ibang treatment gaya ng therapy, prostate surgery, o gamot. Gayunpaman, ang ibang mga kalalakihan ay bumabaling sa paggamit ng mga halamang gamot sa prostate, dahil mas mura ito kung ikukumpara sa iba pang panggamot.
Sa paggamit ng halamang gamot sa prostate, mahalaga na ipaalam mo muna ito sa’yong doktor. Mahalagang masigurado ang iyong sariling kaligtasan. Maaari kasi na magkaroon ng negatibong reaksyon at pagtanggap ang iyong katawan sa mga herbal medicine na ito lalo na kung may iba ka pang sakit na umiiral. Napakahalaga ng pagpapakonsulta sa doktor at eksperto para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Huwag mo ring kakalimutan na ang lahat ng mababasa sa artikulong ito ay hindi kapalit na medikal na payo, treatment at diagnosis ng doktor at ospital.
Ipinakita ng iba’t ibang pag-aaral na ang green tea ay nagtataglay ng antioxidants na tumutulong sa pagpapabagal ng paglaganap ng kanser sa prostate, at nagpapababa ng panganib ng kanser sa prostate.
Ang saw palmetto ay isa sa mga pinakapopular na plant-based prostate enlargement therapies. Isa itong species ng palm shrub native sa Timog-Silangan ng US. Ang berries nito ay ginagamit sa mga supplement upang itaguyod ang malusog na prostate.
Ang mga paggamot sa prostate ay nakadepende sa mga sumusunod:
Laki ng prostate ng isang lalaki Edad
Kabuuang pankalusugan
Lebel ng sintomas sa pag-ihi
Mahalaga na isaalang-alang ang mga sumusunod para sa pagkakaroon ng wastong treatment. Hindi rin dapat isawalang-bahala ang pagpapagamot at pagpapatingin sa doktor lalo na kung ang mga sintomas ay nakakasagabal na sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakihan dito .
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Sanggunian
Herbs for an Enlarged Prostate, https://www.verywellhealth.com/herbs-for-an-enlarged-prostate-89389, Accessed August 4, 2022
The 6 Most Effective Natural Remedies for an Enlarged Prostate, https://www.imaware.health/blog/natural-remedies-for-enlarged-prostate, Accessed August 4, 2022
Herbal Treatments for Prostate Problems, https://consumer.healthday.com/encyclopedia/holistic-medicine-25/herbal-medicine-news-374/herbal-treatments-for-prostate-problems-647467.html, Accessed August 4, 2022
10 Natural Remedies for an Enlarged Prostate, https://www.bensnaturalhealth.com/blog/natural-remedies-enlarged-prostate/, Accessed August 4, 2022
Studies Suggest Herbal Remedy Helps Prostate Patients, https://www.kidney.org/news/newsroom/newsreleases/0072, Accessed August 4, 2022
History
Kasalukuyang Version
08/30/2023
Isinulat ni Lornalyn Austria
Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara
Mga Kaugnay na Post
Narebyung medikal ni
Mae Charisse Antalan, MD
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · a
advertisementNakatulong ba ang artikulong ito?
advertisement advertisement LoadingNais ng Hello Doctor na maging iyong pinakapinagkakatiwalaang kaalyado para makagawa ng mas matalinong mga desisyon at mamuhay nang mas malusog at mas masaya.
Discover Health Tools Care
Information
Term Of UseHello health
About Us©2024 Hello Health Group Pte. Ltd. All Rights Reserved. Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.